Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi [ang kapatid niyang] iyon: “Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?” Al-Qaṣaṣ 28:12 ⧉
Tafsīr:
Tumanggi si Moises, dahil sa isang pagpapakana mula kay Allāh, sa pagsuso sa mga [ibang] babae nang bago Kami magsauli sa kanya sa ina niya. Kaya noong nakita ng babaing kapatid niya ang sigasig nila sa pagpapasuso sa kanya ay nagsabi iyon sa kanila: "Gagabayan ko po kaya kayo sa isang sambahayan na magsasagawa ng pagpapasuso sa kanya at pag-aaruga sa kanya habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?"