Nagsabi ang maybahay ni Paraon: “Isang ginhawa ng mata para sa akin at para sa iyo, huwag ninyo siyang patayin; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak,” habang sila ay hindi nakararamdam. Al-Qaṣaṣ 28:9 ⧉
Tafsīr:
Noong nagnais si Paraon na patayin si Moises ay nagsabi sa kanya ang maybahay niya: "Ang batang ito ay pinagmumulan ng tuwa para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin; harinawang siya ay magpapakinabang sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod o maituturing natin siya bilang anak sa pamamagitan ng pag-ampon;" habang sila ay hindi nakaaalam sa kauuwian ng paghahari nila sa kamay niya.