Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 11

وَقَالَتْ لِأُخْتِهِ قُصِّيهِ ۖ فَبَصُرَتْ بِهِ عَنْ جُنُبٍ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ 11 ١١

Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: “Magsubaybay ka sa kanya.” Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam. (11)

Tafsīr
Nagsabi ang ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa babaing kapatid niya matapos ng pagtapon nito sa kanya sa ilog: "Sumunod ka sa bakas niya upang malaman mo ang gagawin sa kanya." Kaya nakatingin iyon sa kanya mula sa kalayuan upang hindi mabunyag ang ginagawa niyon habang si Paraon at ang mga tao nito ay hindi nakararamdam na iyon ay babaing kapatid niya at na iyon ay nagsisiyasat sa lagay niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba