Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 12)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi [ang kapatid niyang] iyon: “Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?” (12)
Tafsīr
Tumanggi si Moises, dahil sa isang pagpapakana mula kay Allāh, sa pagsuso sa mga [ibang] babae nang bago Kami magsauli sa kanya sa ina niya. Kaya noong nakita ng babaing kapatid niya ang sigasig nila sa pagpapasuso sa kanya ay nagsabi iyon sa kanila: "Gagabayan ko po kaya kayo sa isang sambahayan na magsasagawa ng pagpapasuso sa kanya at pag-aaruga sa kanya habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: