Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 18

فَأَصْبَحَ فِي الْمَدِينَةِ خَائِفًا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا الَّذِي اسْتَنْصَرَهُ بِالْأَمْسِ يَسْتَصْرِخُهُ ۚ قَالَ لَهُ مُوسَىٰ إِنَّكَ لَغَوِيٌّ مُبِينٌ 18 ١٨

Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: “Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.” (18)

Tafsīr
Kaya noong nangyari sa kanya ang nangyari na pagkapatay sa Kopto, siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay sa kung ano ang mangyayari, saka biglang ang humingi sa kanya ng tulong at pag-aadya laban sa kaaway nitong Kopto kahapon ay nagpapatulong na naman sa kanya laban sa iba pang Kopto. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang may kalisyaan at pagkaligaw na maliwanag."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba