Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 20

وَجَاءَ رَجُلٌ مِنْ أَقْصَى الْمَدِينَةِ يَسْعَىٰ قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنَّ الْمَلَأَ يَأْتَمِرُونَ بِكَ لِيَقْتُلُوكَ فَاخْرُجْ إِنِّي لَكَ مِنَ النَّاصِحِينَ 20 ٢٠

May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: “O Moises, tunay ang konseho [ng mga tao ni Paraon] ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.” (20)

Tafsīr
Noong lumaganap ang ulat at may dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na nagmamadali dala ng pagkahabag kay Moises sa [gagawing] pag-uusig. Nagsabi ito: "O Moises, tunay na ang mga maharlika kabilang sa mga tao ni Paraon ay nagsasanggunian hinggil sa pagpatay sa iyo kaya lumisan ka mula sa bayan. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo dala ng pagkahabag sa iyo na baka maabutan ka nila para patayin ka nila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba