Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 24

فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰ إِلَى الظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَا أَنْزَلْتَ إِلَيَّ مِنْ خَيْرٍ فَقِيرٌ 24 ٢٤

Kaya nagpainom [si Moises sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.” (24)

Tafsīr
Kaya naawa siya sa kanilang dalawa saka nagpainom siya para sa kanilang dalawa ng mga tupa nila. Pagkatapos lumisan siya patungo sa lilim at nagpahinga roon. Dumalangin siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng pangangailangan niya kaya nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako sa pinababa Mo sa akin na anumang mabuti ay nangangailangan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba