Kaya nagpainom [si Moises sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: “Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.” Al-Qaṣaṣ 28:24 ⧉
Tafsīr:
Kaya naawa siya sa kanilang dalawa saka nagpainom siya para sa kanilang dalawa ng mga tupa nila. Pagkatapos lumisan siya patungo sa lilim at nagpahinga roon. Dumalangin siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng pangangailangan niya kaya nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako sa pinababa Mo sa akin na anumang mabuti ay nangangailangan."