Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 25 sa 88 • Tagalog


فَجَاءَتْهُ إِحْدَاهُمَا تَمْشِي عَلَى اسْتِحْيَاءٍ قَالَتْ إِنَّ أَبِي يَدْعُوكَ لِيَجْزِيَكَ أَجْرَ مَا سَقَيْتَ لَنَا ۚ فَلَمَّا جَاءَهُ وَقَصَّ عَلَيْهِ الْقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفْ ۖ نَجَوْتَ مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ 25
Pagsasalin:
Saka dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad nang mahiyain. Nagsabi ito: “Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan namin] para sa amin.” Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya], nagsabi iyon: “Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.” Al-Qaṣaṣ 28:25
Tafsīr:
Kaya noong nakaalis silang dalawa ay nagbalita silang dalawa sa ama nilang dalawa hinggil kay Moises, saka nagsugo naman iyon sa isa sa kanilang dalawa patungo sa kanya upang mag-anyaya sa kanya. Dumating sa kanya ito, na naglalakad nang nahihiya. Nagsabi ito: "Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo na pumunta ka sa kanya sa layunin na gumanti siya sa iyo ng pabuya mo sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin." Kaya noong dumating si Moises sa ama nilang dalawa at nagbalita siya roon ng mga kuwento niya, nagsabi iyon sa kanya habang pumapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; nakaligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan, na sina Paraon at ang konseho niya, sapagkat tunay na walang kapamahalaan para sa kanila sa Madyan kaya hindi sila makakakaya na magpaabot sa iyo ng isang pananakit."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 24 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 26