Nagsabi ang isa sa dalawang babae: “O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.” Al-Qaṣaṣ 28:26 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang isa sa dalawang babaing anak niyon: "O Ama ko, upahan mo siya upang magpastol ng mga tupa natin sapagkat siya ay marapat na upahan mo dahil sa pagkakatipon sa kanya ng lakas at tiwala. Sa pamamagitan ng lakas ay gagampanan niya ang iniatang sa kanya at sa pamamagitan ng tiwala ay pangangalagaan niya ang ipinagkatiwala sa kanya."