Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 27 sa 88 • Tagalog


قَالَ إِنِّي أُرِيدُ أَنْ أُنْكِحَكَ إِحْدَى ابْنَتَيَّ هَاتَيْنِ عَلَىٰ أَنْ تَأْجُرَنِي ثَمَانِيَ حِجَجٍ ۖ فَإِنْ أَتْمَمْتَ عَشْرًا فَمِنْ عِنْدِكَ ۖ وَمَا أُرِيدُ أَنْ أَشُقَّ عَلَيْكَ ۚ سَتَجِدُنِي إِنْ شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ 27
Pagsasalin:
Nagsabi iyon: “Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos.” Al-Qaṣaṣ 28:27
Tafsīr:
Nagsabi ang ama nilang dalawa habang kumakausap kay Moises -sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak kong ito sa kundisyong ang bigay-kaya sa kanya ay na magpastol ka ng mga tupa namin nang walong taon; ngunit kung kukumpletuhin mo ang yugto sa sampung taon, ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa iyo, na hindi nag-oobliga sa iyo dahil ang kasunduan ay sa walong taon lamang naman kaya ang anumang higit doon ay pagkukusang-loob. Hindi ako nagnanais na mag-obliga sa iyo ng anumang may pabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos na tumutupad sa mga kasunduan at hindi sumisira sa mga pangako."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 26 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 28