Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 30)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 30

فَلَمَّا أَتَاهَا نُودِيَ مِنْ شَاطِئِ الْوَادِ الْأَيْمَنِ فِي الْبُقْعَةِ الْمُبَارَكَةِ مِنَ الشَّجَرَةِ أَنْ يَا مُوسَىٰ إِنِّي أَنَا اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ 30 ٣٠

Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. (30)

Tafsīr
Kaya noong dumating si Moises sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba