Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 32)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa kilabot. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail.” (32)
Tafsīr
Ipasok mo ang kanang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo mula sa malapit sa leeg, lalabas ito na maputi na walang ketong," kaya ipinasok naman ito ni Moises saka lumabas ito na mabuti gaya ng niyebe. "Iyapos mo sa iyo ang kamay mo upang mapanatag ang pangamba mo," kaya iniyapos naman ni Moises ito sa kanya kaya naglaho sa kanya ang pangamba. "Kaya ang dalawang nabanggit na ito, ang tungkod at ang kamay, ay dalawang patunay na isinugo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa mga maharlika nito kabilang sa mga tao nito. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: