Surah Al-Munāfiqūn (Ang mga Mapagkunwari — المنافقون) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




63 Al-Munāfiqūn(المنافقون), Talata 7

هُمُ الَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنْفِقُوا عَلَىٰ مَنْ عِنْدَ رَسُولِ اللَّهِ حَتَّىٰ يَنْفَضُّوا ۗ وَلِلَّهِ خَزَائِنُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَا يَفْقَهُونَ 7 ٧

Sila ay ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].” Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa. (7)

Tafsīr
Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol ng mga yaman ninyo sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh na mga maralita at mga Arabeng disyerto sa paligid ng Madīnah hanggang sa magkawatak-watak sila palayo sa kanya." Sa kay Allāh lamang ang mga ingatang-yaman ng mga langit at ang mga ingatang-yaman ng lupa; nagtutustos Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang mga ingatang-yaman ng panustos ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba