Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Munāfiqūn — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Munāfiqūn • Talata 7 sa 11 • Tagalog


هُمُ الَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنْفِقُوا عَلَىٰ مَنْ عِنْدَ رَسُولِ اللَّهِ حَتَّىٰ يَنْفَضُّوا ۗ وَلِلَّهِ خَزَائِنُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَا يَفْقَهُونَ 7
Pagsasalin:
Sila ay ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].” Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa. Al-Munāfiqūn 63:7
Tafsīr:
Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol ng mga yaman ninyo sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh na mga maralita at mga Arabeng disyerto sa paligid ng Madīnah hanggang sa magkawatak-watak sila palayo sa kanya." Sa kay Allāh lamang ang mga ingatang-yaman ng mga langit at ang mga ingatang-yaman ng lupa; nagtutustos Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang mga ingatang-yaman ng panustos ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Munāfiqūn • Talata 6 Susunod Al-Munāfiqūn • Talata 8