Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Munāfiqūn — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Munāfiqūn • Talata 8 sa 11 • Tagalog


يَقُولُونَ لَئِنْ رَجَعْنَا إِلَى الْمَدِينَةِ لَيُخْرِجَنَّ الْأَعَزُّ مِنْهَا الْأَذَلَّ ۚ وَلِلَّهِ الْعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَلَٰكِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَا يَعْلَمُونَ 8
Pagsasalin:
Nagsasabi sila: “Talagang kung bumalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba.” Sa kay Allāh ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam. Al-Munāfiqūn 63:8
Tafsīr:
Nagsasabi ang ulo nilang si `Abdullāh bin Ubayy: "Talagang kung manunumbalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan – ako at ang mga tao ko – mula roon sa pinakaaba – sina Muḥammad at ang mga Kasamahan Niya." Sa kay Allāh lamang ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, at hindi kay `Abdullāh bin Ubayy at sa mga kasamahan nito, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang kapangyarihan ay sa kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Munāfiqūn • Talata 7 Susunod Al-Munāfiqūn • Talata 9