Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Munāfiqūn — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Al-Munāfiqūn • Talata 9 sa 11 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُلْهِكُمْ أَمْوَالُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ عَنْ ذِكْرِ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 9
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ay ang mga lugi. Al-Munāfiqūn 63:9
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag umabala sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pagdarasal o iba pa rito kabilang sa mga tungkulin sa Islām. Ang sinumang inabala ng mga yaman niya at mga anak niya palayo isinatungkulin ni Allāh sa kanya na pagdarasal at iba pa rito, ang mga iyon ay ang mga lugi, sa totoo, na nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Munāfiqūn • Talata 8 Susunod Al-Munāfiqūn • Talata 10