Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 37

وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّي أَعْلَمُ بِمَنْ جَاءَ بِالْهُدَىٰ مِنْ عِنْدِهِ وَمَنْ تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ 37 ٣٧

Nagsabi si Moises: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kaginhawahan]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan. (37)

Tafsīr
Nagsabi si Moises habang kumakausap kay Paraon: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa nagsatotoo na nagdala ng kagabayan mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – at nakaaalam sa sinumang magkakaroon ng kahihinatnang napupurihan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagalabag sa katarungan ng hinihiling nila at hindi sila maliligtas sa pinangingilabutan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba