Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 38

وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ مَا عَلِمْتُ لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرِي فَأَوْقِدْ لِي يَا هَامَانُ عَلَى الطِّينِ فَاجْعَلْ لِي صَرْحًا لَعَلِّي أَطَّلِعُ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ مِنَ الْكَاذِبِينَ 38 ٣٨

Nagsabi si Paraon: “O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling.” (38)

Tafsīr
Nagsabi si Paraon habang kumakausap sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang sinasamba na iba pa sa Akin. Kaya magpaliyab ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad upang tumindi, saka magpatayo ka para sa akin sa papamagitan nito ng isang gusaling mataas sa pag-asang ako ay makatingin sa sinasamba ni Moises at makabatid niyon. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay sinungaling sa pinagsasabi niya na siya ay isinugo mula kay Allāh sa akin at sa mga tao ko."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba