Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 48)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 48

فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا لَوْلَا أُوتِيَ مِثْلَ مَا أُوتِيَ مُوسَىٰ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا بِمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ قَالُوا سِحْرَانِ تَظَاهَرَا وَقَالُوا إِنَّا بِكُلٍّ كَافِرُونَ 48 ٤٨

Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?” Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: “[Ang Qur’ān at ang Torah ay] dalawang panggagaway na nagtataguyudan.” Nagsabi sila: “Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya.” (48)

Tafsīr
Ngunit noong naghatid sa [liping] Quraysh si Muḥammad ng pasugo mula sa Panginoon niya ay nagtanong sila sa mga Hudyo tungkol doon kaya nagdikta ang mga ito sa kanila ng katwirang ito kaya nagsabi sila : "Bakit kaya hindi binigyan si Muḥammad ng tulad sa ibinigay kay Moises na mga tandang nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, gaya ng [paggaling ng] kamay at tungkod [na naging ahas]?" Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Hindi ba tumangging sumampalataya ang mga Hudyo sa ibinigay kay Moises bago pa nito?" Nagsabi sila kaugnay sa Torah at Qur'ān: "Ang dalawang ito ay dalawang panggagaway na kumakatig ang isa sa dalawa sa isa pa." Nagsabi pa sila: "Tunay na kami sa bawat isa sa Torah at Qur'ān ay mga tagatangging sumampalataya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba