Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 48 sa 88 • Tagalog


فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا لَوْلَا أُوتِيَ مِثْلَ مَا أُوتِيَ مُوسَىٰ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا بِمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ قَالُوا سِحْرَانِ تَظَاهَرَا وَقَالُوا إِنَّا بِكُلٍّ كَافِرُونَ 48
Pagsasalin:
Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?” Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: “[Ang Qur’ān at ang Torah ay] dalawang panggagaway na nagtataguyudan.” Nagsabi sila: “Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya.” Al-Qaṣaṣ 28:48
Tafsīr:
Ngunit noong naghatid sa [liping] Quraysh si Muḥammad ng pasugo mula sa Panginoon niya ay nagtanong sila sa mga Hudyo tungkol doon kaya nagdikta ang mga ito sa kanila ng katwirang ito kaya nagsabi sila : "Bakit kaya hindi binigyan si Muḥammad ng tulad sa ibinigay kay Moises na mga tandang nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, gaya ng [paggaling ng] kamay at tungkod [na naging ahas]?" Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Hindi ba tumangging sumampalataya ang mga Hudyo sa ibinigay kay Moises bago pa nito?" Nagsabi sila kaugnay sa Torah at Qur'ān: "Ang dalawang ito ay dalawang panggagaway na kumakatig ang isa sa dalawa sa isa pa." Nagsabi pa sila: "Tunay na kami sa bawat isa sa Torah at Qur'ān ay mga tagatangging sumampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 47 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 49