Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 47 sa 88 • Tagalog


وَلَوْلَا أَنْ تُصِيبَهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَيَقُولُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ وَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ 47
Pagsasalin:
Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: “Panginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya?” Al-Qaṣaṣ 28:47
Tafsīr:
Kung hindi dahil na may ipinatamo sa kanila na isang kaparusahang makadiyos – dahilan sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – para magsabi sila habang mga nangangatwiran ng kawalan ng pagsusugo ng isang sugo sa kanila: "Bakit kaya hindi Ka nagpadala sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo, gumawa kami ayon sa mga ito, at kami ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nagsasagawa sa utos ng Panginoon nila?" Kung hindi dahil doon ay talaga sanang minadali Namin sila sa parusa, subalit Kami ay nagpaliban niyon sa kanila hanggang sa makapagbigay-dahilan Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 46 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 48