Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 50)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. (50)
Tafsīr
Ngunit kung hindi tumugon ang [liping] Quraysh sa pinaanyaya mo sa kanila na paglalahad ng isang kasulatang higit na mapaggabay kaysa sa Torah at Qur'ān, tiyakin mo na ang pagpapasinungaling nila sa dalawang ito ay hindi buhat sa isang patunay; ito ay pagsunod lamang sa pithaya. Walang isang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan at pagkagabay sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: