Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 50 sa 88 • Tagalog


فَإِنْ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَكَ فَاعْلَمْ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهْوَاءَهُمْ ۚ وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّنِ اتَّبَعَ هَوَاهُ بِغَيْرِ هُدًى مِنَ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 50
Pagsasalin:
Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. Al-Qaṣaṣ 28:50
Tafsīr:
Ngunit kung hindi tumugon ang [liping] Quraysh sa pinaanyaya mo sa kanila na paglalahad ng isang kasulatang higit na mapaggabay kaysa sa Torah at Qur'ān, tiyakin mo na ang pagpapasinungaling nila sa dalawang ito ay hindi buhat sa isang patunay; ito ay pagsunod lamang sa pithaya. Walang isang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan at pagkagabay sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 49 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 51