Talaga ngang nagparating Kami sa kanila ng sinabi, nang sa gayon sila ay magsasaalaala. Al-Qaṣaṣ 28:51 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagparating Kami sa mga tagapagtambal at mga Hudyo kabilang sa mga anak ni Israel ng pagsasabi ng mga kasaysayan ng mga kalipunang nauna at ng pinadapo Namin sa kanila na pagdurusa noong nagpasinungaling sila sa mga sugo Namin, sa pag-asang mapangaralan sila sa pamamagitan niyon para sumampalataya sila upang hindi sana tumama sa kanila ang [pagdurusang] tumama sa kanila.