Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 54)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 54

أُولَٰئِكَ يُؤْتَوْنَ أَجْرَهُمْ مَرَّتَيْنِ بِمَا صَبَرُوا وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ 54 ٥٤

Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. (54)

Tafsīr
Ang mga nailarawang iyon ayon sa nabanggit ay magbibigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa gawa nila nang dalawang ulit dahilan sa pagtitiis nila sa pananampalataya sa kasulatan nila at dahil sa pananampalataya nila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang ipinadala siya, at nagtutulak sila, sa pamamagitan ng mga maganda sa mga gawa nilang maayos, sa nakamit nila na mga kasalanan, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila sa mga uri ng kabutihan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba