Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 59)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān]. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan. (59)
Tafsīr
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa makapagbigay-dahilan Siya sa mga naninirahan sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa Pamayanang Pinakamalaki sa mga ito gaya ng pagpapadala sa iyo mismo sa Ina ng mga Pamayanan, ang Makkah. Hindi nangyaring Kami ay talagang magpapahamak sa mga naninirahan sa mga pamayanan habang sila ay mga nananatili sa katotohanan. Magpapahamak lamang Kami sa kanila kung nangyaring sila ay mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: