Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 59 sa 88 • Tagalog


وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهْلِكَ الْقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبْعَثَ فِي أُمِّهَا رَسُولًا يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا ۚ وَمَا كُنَّا مُهْلِكِي الْقُرَىٰ إِلَّا وَأَهْلُهَا ظَالِمُونَ 59
Pagsasalin:
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān]. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan. Al-Qaṣaṣ 28:59
Tafsīr:
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa makapagbigay-dahilan Siya sa mga naninirahan sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa Pamayanang Pinakamalaki sa mga ito gaya ng pagpapadala sa iyo mismo sa Ina ng mga Pamayanan, ang Makkah. Hindi nangyaring Kami ay talagang magpapahamak sa mga naninirahan sa mga pamayanan habang sila ay mga nananatili sa katotohanan. Magpapahamak lamang Kami sa kanila kung nangyaring sila ay mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 58 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 60