Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Al-Qaṣaṣ 28:60 ⧉
Tafsīr:
Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyo na anumang bagay, ito ay kabilang sa tinatamasa ninyo at ipinanggagayak ninyo sa buhay na pangmundo, pagkatapos magmamaliw ito. Ang nasa ganang kay Allāh na gantimpalang dakila sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nagtatagal kaysa sa nasa lupa na anumang tinatamasa at gayak. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magtangi kayo sa anumang nananatili higit sa anumang nagmamaliw?