Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin ng isang pangakong maganda – saka siya ay makakatagpo niyon – ay gaya ng sinumang pinagtamasa Namin ng natatamasa sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga padadaluhin [sa Impiyerno]? Al-Qaṣaṣ 28:61 ⧉
Tafsīr:
Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin sa Kabilang-buhay ng paraiso at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi, siya ay pupunta roon nang walang mapasusubalian gaya ng sinumang binigyan Namin ng tinatamasa niya na yaman at gayak sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga padadaluhin tungo sa apoy ng Impiyerno?