[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: “Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?” Al-Qaṣaṣ 28:62 ⧉
Tafsīr:
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na kayo dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Akin at nag-aangkin na sila raw ay mga katambal sa Akin?"