Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 144)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 144

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَجْعَلُوا لِلَّهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا مُبِينًا 144 ١٤٤

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katunayang malinaw? (144)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh bilang mga hinirang, na makikipagtangkilikan kayo sa kanila sa halip na sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo sa pamamagitan ng gawa ninyong ito na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katwirang malinaw na nagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ninyo sa pagdurusa?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba