Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 144 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 144 sa 176 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَجْعَلُوا لِلَّهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا مُبِينًا 144
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katunayang malinaw? An-Nisā’ 4:144
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh bilang mga hinirang, na makikipagtangkilikan kayo sa kanila sa halip na sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo sa pamamagitan ng gawa ninyong ito na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katwirang malinaw na nagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ninyo sa pagdurusa?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 143 Susunod An-Nisā’ • Talata 145