Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 60)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (60)
Tafsīr
Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyo na anumang bagay, ito ay kabilang sa tinatamasa ninyo at ipinanggagayak ninyo sa buhay na pangmundo, pagkatapos magmamaliw ito. Ang nasa ganang kay Allāh na gantimpalang dakila sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nagtatagal kaysa sa nasa lupa na anumang tinatamasa at gayak. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magtangi kayo sa anumang nananatili higit sa anumang nagmamaliw?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: