Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 70

وَهُوَ اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ لَهُ الْحَمْدُ فِي الْأُولَىٰ وَالْآخِرَةِ ۖ وَلَهُ الْحُكْمُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 70 ٧٠

Siya ay si Allāh; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo. (70)

Tafsīr
Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang ang papuri sa Mundo at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad na hindi naitutulak at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba