Siya ay si Allāh; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo. Al-Qaṣaṣ 28:70 ⧉
Tafsīr:
Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang ang papuri sa Mundo at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad na hindi naitutulak at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.