Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?” Al-Qaṣaṣ 28:71 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi na palagiang nagpapatuloy na walang pagkaputol hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw tulad ng tanglaw ng maghapon? Kaya hindi ba kayo nakaririnig ng mga katwirang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon?"