Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 71)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 71

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ جَعَلَ اللَّهُ عَلَيْكُمُ اللَّيْلَ سَرْمَدًا إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ إِلَٰهٌ غَيْرُ اللَّهِ يَأْتِيكُمْ بِضِيَاءٍ ۖ أَفَلَا تَسْمَعُونَ 71 ٧١

Sabihin mo: “Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?” (71)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi na palagiang nagpapatuloy na walang pagkaputol hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw tulad ng tanglaw ng maghapon? Kaya hindi ba kayo nakaririnig ng mga katwirang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba