Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 75

وَنَزَعْنَا مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا فَقُلْنَا هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ فَعَلِمُوا أَنَّ الْحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ 75 ٧٥

Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami [sa mga tagapagpasinungaling]: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo,” saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan]. (75)

Tafsīr
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling, saka magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyo noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," kaya mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay sa kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba