Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 75 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 75 sa 88 • Tagalog


وَنَزَعْنَا مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا فَقُلْنَا هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ فَعَلِمُوا أَنَّ الْحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ 75
Pagsasalin:
Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami [sa mga tagapagpasinungaling]: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo,” saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan]. Al-Qaṣaṣ 28:75
Tafsīr:
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling, saka magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyo noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," kaya mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay sa kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 74 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 76