Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 76 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 76 sa 88 • Tagalog


إِنَّ قَارُونَ كَانَ مِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيْهِمْ ۖ وَآتَيْنَاهُ مِنَ الْكُنُوزِ مَا إِنَّ مَفَاتِحَهُ لَتَنُوءُ بِالْعُصْبَةِ أُولِي الْقُوَّةِ إِذْ قَالَ لَهُ قَوْمُهُ لَا تَفْرَحْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْفَرِحِينَ 76
Pagsasalin:
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas. Noong [nagpakapalalo siya,] nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: “Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito]. Al-Qaṣaṣ 28:76
Tafsīr:
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagpakamalaki siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan, bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 75 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 77