Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 77 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 77 sa 88 • Tagalog


وَابْتَغِ فِيمَا آتَاكَ اللَّهُ الدَّارَ الْآخِرَةَ ۖ وَلَا تَنْسَ نَصِيبَكَ مِنَ الدُّنْيَا ۖ وَأَحْسِنْ كَمَا أَحْسَنَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ وَلَا تَبْغِ الْفَسَادَ فِي الْأَرْضِ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ 77
Pagsasalin:
Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo.” Al-Qaṣaṣ 28:77
Tafsīr:
Hilingin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh na mga yaman ang gantimpala sa tahanan na pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga uri ng kabutihan, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo gaya ng pagkain, pag-inom, kasuutan, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya, nang walang pagsasayang at walang kapalaluan. Gumawa ka ng maganda sa pakikitungo sa Panginoon mo at sa mga lingkod Niya kung paanong gumawa Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng maganda sa iyo, at huwag mong hilingin ang kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pag-iwan sa mga pagtalima; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan niyon, bagkus nasusuklam sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 76 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 78