Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 78 sa 88 • Tagalog


قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ عِنْدِي ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِنْ قَبْلِهِ مِنَ الْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْأَلُ عَنْ ذُنُوبِهِمُ الْمُجْرِمُونَ 78
Pagsasalin:
Nagsabi [si Qārūn]: “Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.” Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin. Al-Qaṣaṣ 28:78
Tafsīr:
Nagsabi si Qārūn: "Binigyan lamang ako ng mga yamang ito dahil sa isang kaalamang taglay ko at isang kakayahan kaya ako ay nararapat sa mga ito dahil doon." Hindi ba nakaalam si Qārūn na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga kalipunan na mga higit na matindi sa lakas at higit na marami sa natipon sa mga yaman nila? Ngunit hindi nagpakinabang sa kanila ang lakas nila ni ang mga yaman nila. Hindi tatanungin sa Araw ng Pagbangon ang mga salarin tungkol sa mga pagkakasala nila dahil sa pagkakaalam ni Allāh sa mga ito sapagkat ang pagtatanong sa kanila ay pagtatanong ng paninisi at pagsumbat.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 77 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 79