Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 76)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 76

إِنَّ قَارُونَ كَانَ مِنْ قَوْمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيْهِمْ ۖ وَآتَيْنَاهُ مِنَ الْكُنُوزِ مَا إِنَّ مَفَاتِحَهُ لَتَنُوءُ بِالْعُصْبَةِ أُولِي الْقُوَّةِ إِذْ قَالَ لَهُ قَوْمُهُ لَا تَفْرَحْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْفَرِحِينَ 76 ٧٦

Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas. Noong [nagpakapalalo siya,] nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: “Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito]. (76)

Tafsīr
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagpakamalaki siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan, bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba