Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 77)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo.” (77)
Tafsīr
Hilingin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh na mga yaman ang gantimpala sa tahanan na pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga uri ng kabutihan, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo gaya ng pagkain, pag-inom, kasuutan, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya, nang walang pagsasayang at walang kapalaluan. Gumawa ka ng maganda sa pakikitungo sa Panginoon mo at sa mga lingkod Niya kung paanong gumawa Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng maganda sa iyo, at huwag mong hilingin ang kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pag-iwan sa mga pagtalima; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan niyon, bagkus nasusuklam sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: