Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 78)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 78

قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ عِنْدِي ۚ أَوَلَمْ يَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ قَدْ أَهْلَكَ مِنْ قَبْلِهِ مِنَ الْقُرُونِ مَنْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُ قُوَّةً وَأَكْثَرُ جَمْعًا ۚ وَلَا يُسْأَلُ عَنْ ذُنُوبِهِمُ الْمُجْرِمُونَ 78 ٧٨

Nagsabi [si Qārūn]: “Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.” Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin. (78)

Tafsīr
Nagsabi si Qārūn: "Binigyan lamang ako ng mga yamang ito dahil sa isang kaalamang taglay ko at isang kakayahan kaya ako ay nararapat sa mga ito dahil doon." Hindi ba nakaalam si Qārūn na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga kalipunan na mga higit na matindi sa lakas at higit na marami sa natipon sa mga yaman nila? Ngunit hindi nagpakinabang sa kanila ang lakas nila ni ang mga yaman nila. Hindi tatanungin sa Araw ng Pagbangon ang mga salarin tungkol sa mga pagkakasala nila dahil sa pagkakaalam ni Allāh sa mga ito sapagkat ang pagtatanong sa kanila ay pagtatanong ng paninisi at pagsumbat.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba