Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 80)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: “Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis.” (80)
Tafsīr
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman nang nakita nila si Qārūn sa gayak niya at narinig nila ang minimithi ng mga kaibigan niya: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh sa Kabilang-buhay at ang inihanda Niya na kaginhawahan para sa sinumang sumampalataya sa Kanya at gumawa ng gawang maayos ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay kay Qārūn na ningning ng Mundo. Walang itinutuon sa pagsasabi ng pangungusap na ito at sa paggawa ayon sa hinihiling nito kundi ang mga tagapagtiis na nagtitiis sa pagtatangi ng anumang nasa kay Allāh na gantimpala higit sa anumang nasa Mundo na tinatamasang naglalaho."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: