Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 80 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 80 sa 88 • Tagalog


وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَيْلَكُمْ ثَوَابُ اللَّهِ خَيْرٌ لِمَنْ آمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا وَلَا يُلَقَّاهَا إِلَّا الصَّابِرُونَ 80
Pagsasalin:
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: “Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis.” Al-Qaṣaṣ 28:80
Tafsīr:
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman nang nakita nila si Qārūn sa gayak niya at narinig nila ang minimithi ng mga kaibigan niya: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh sa Kabilang-buhay at ang inihanda Niya na kaginhawahan para sa sinumang sumampalataya sa Kanya at gumawa ng gawang maayos ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay kay Qārūn na ningning ng Mundo. Walang itinutuon sa pagsasabi ng pangungusap na ito at sa paggawa ayon sa hinihiling nito kundi ang mga tagapagtiis na nagtitiis sa pagtatangi ng anumang nasa kay Allāh na gantimpala higit sa anumang nasa Mundo na tinatamasang naglalaho."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 79 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 81