Kaya ipinalamon Namin si Qārūn at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya. Al-Qaṣaṣ 28:81 ⧉
Tafsīr:
Kaya ipinalamon Namin siya sa lupa at ang tahanan niya at ang sinumang nasa loob nito bilang paghihiganti laban sa kanya dahil sa kapalaluan niya. Hindi siya nagkaroon siyang anumang grupo na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya sa pamamagitan ng sarili niya.