Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 82 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 82 sa 88 • Tagalog


وَأَصْبَحَ الَّذِينَ تَمَنَّوْا مَكَانَهُ بِالْأَمْسِ يَقُولُونَ وَيْكَأَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ ۖ لَوْلَا أَنْ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْنَا لَخَسَفَ بِنَا ۖ وَيْكَأَنَّهُ لَا يُفْلِحُ الْكَافِرُونَ 82
Pagsasalin:
Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: “Sayang ka na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit.” Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang ka na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.” Al-Qaṣaṣ 28:82
Tafsīr:
Kinaumagahan, ang mga nagmithi sa nasa kanya na yaman at gayak bago ng paglamon sa kanya ay nagsasabi habang mga nanghihinayang na nagsasaalang-alang: "Hindi ba tayo nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nanggigipit nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila? Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin sapagkat hindi Siya nagparusa sa atin dahil sa sinabi natin, talaga sanang ipinalamon Niya tayo [sa lupa] tulad ng pagpapalamon kay Qārūn." Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, bagkus ang kahahantungan nila at ang kauuwian nila ay ang pagkalugi sa dalawang ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 81 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 83